Lagi akong may baong biro
Napapatawa kita Napapangiti ako Pero hindi ngiti ang sukatan ng saya Hindi mga biro ang sukatan ng tawa Hindi luha ang sukatan ng lungkot Hindi katahimikan ang sukatan ng depresyon Hindi bakas ng laslas sa pulso Hindi bakas ng tali sa leeg Hindi balang nakabaon sa utak Hindi droga na hinihithit Ang sukatan ng depresyon Wag mga labi ko ang tingnan mo Wag mga biro ko ang pakinggan mo Mata ko ang sisirin mo Lungkot sa kabila ng biro ang pakinggan mo Subukan mong maglakad gamit ang sapatos ko Subukan mong tingnan ang mundo gamit ang mga mata ko Gawa sa bakal ang sapatos ko Puti at itim ang mga mata ko Hinagpis ang katabi ko sa pagtulog Depresyon ang kayakap ko sa gabi Tabihan mo ako Basahin mo ang mga mata ko Yakapin mo ang mga kahinaan ko
0 Comments
|
AuthorThe author is a teacher, frustrated writer, booklover, and a lifetime learner. Archives
August 2017
Categories |